Confessions

Working Pinoys in Cruise Ships

Working Pinoys in cruise ships

Tula ni Blanche Robles

I.

Ang pagiging marino’y hindi biro.

Kailangan dito’y boo ang loob at puso

Dahil kung hindi

Lungkot mo’y mababahiran ng hapdi.

II.

Akala ng karamihan

Buhay sa cruise ship ay magaan

Napakaganda nga namang pakinggan

Subalit hirap dito’y lingid sa kanilang kaalaman.

III.

Sa mga katrabaho kailangang makisama

Upang magkaroon ng kadamay at hindi nag-iisa.

Sapagkat kasama dito’y ibat-ibang lahi

Na may iba’t-ibang ugali.

IV.

Allotment sa pamilya’y pinagsisikapang ibigay

Para mapaganda’t mapagaan ang kanilang buhay

Kahit na kaakibat pa nito’y pasakit

Ngiti sa kanilang labi, ‘wag lang ipagkait.

V.

Kaya naman mga magigiting na kabaro

Kami’y lubos na sumasaludo sa inyo

Nararapat lamang sa inyo ay ituran,

Mga buhay na bayani  nitong ating bayan!

….

Dou you like this poem?

Share us your thoughts by writing a comment below!

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s