Confessions

Kung ayaw mo maagawan, mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan

AHAS NA KAIBIGAN

Paul and I – we’ve been together for 2 years and 5 months. For the past 2 years we’ve been happily inlove and going steady. Yung tipong hindi nabubuo yung araw namin kung walang text, call, chat o video call. Nasanay kami sa ganung systema. Umiikot lang mundo namin sa isa’t-isa.

May mga plano na kaming binuo na magkasama. Ako yung girlfriend na kung mag effort sobra-sobra. Yung dapat lakaki ang gumagawa pero sa aming dalawa, ako lang talaga. Ganun ‘ata talaga pag mahal mo, mag-iisip ka ng magpapasaya sa kanya.

I even waited him patiently for 8mos. For he had to leave me and work in a ship. Tiniis ko ang pagkamiss sa kanya, ang kawalan ng oras na magka-usap kami kasi minsan lang magsalubong ang araw at gabi sa pagitan naming dalawa. Inintindi ko siya.

May mga araw na napapaisip ka kasi online naman siya pero ni hindi magawang magmessage. May mga araw na nagpupuyat kakahintay sa message niya, pero wala talaga!

Pero inisip ko nalang baka pagod siya. Unti-unti na akong nakaramdam ng pangamba…mapapaisip ka kung may babalik pa ba sayo. Kung anu-ano nalang maiisip mo dala ng pagkamiss.

Hanggang sa nakauwi na siya pero may nag-iba. Pinangako niyang babawi siya paguwi niya. Pero ba’t pakiramdam ko ang layo padin niya.

In short, wala na siyang oras para saming dalawa. Inisip ko san ba ako nag kulang? O una palang hindi na talaga ako sapat sa kanya? Bago ko makalimutan, sa dalawang taon na relasyon namin may naging ka one night stand siya. Oh..landi diba?

Sobrang sakit ‘yon pero tinanggap at pikit mata kong pilit kinalimutan ang lahat kasi nga ayaw ko siyang mawala.

Fast Forward. So heto na sa kung paano ako nakagat ng makamandag kong kaibigan. So it goes like this, a year ago out of nowhere, Karen added me on Facebook. She then chat me until she succeded on making us friends. Little did I know that he knows Paul my BF (ex na ngayon).

Kaibigan turing ko sa kanya I sincerely love and trust her as a friend. Infact, nag seshare ako sa kanya mostly about ky Paul, and continue on exchanging thoughts with her.

PERO BIGLANG…

Naiba ang ihip ng hangin, nalaman ko nalang sila na ni Paul ang madalas nag cha-chat tapos alam mo sa sarili mong dapat ka nang mabahala kasi ang laman ng convo nila may KALANDIAN na talaga…yung tipong inaakit niya na yung mahal mo? Yung ang saya nilang nagpapalitan ng mga BASTOS na messages.

I confronted Paul about it kasi sino ba namang normal na babae ang hindi mababahala lalo na’t alam na alam mong OY!, iba nato..unti-unti nang ginagapang ng kunwaring kaibigan mo yung taong minsan ginawa mong mundo.

Sinong babae ang hindi makakaramdam ng selos diba? Pero sabi lang ni Paul, BARKADA LANG! Edi wow! Galing! 👏🏻👏🏻 Barkada lang pero todo ang landian. Aba! Nag iba nadin pala ang definition ng barkada kasi kulang nalang mag tuhogan silang dalawa!?

Then unti -unti ng nagtagumpay si girl sa balak niya kasi at last NA NOTICE NA SIYA NI OPPA! Kasi nga kunwari pa friend effect yun pala my ibang balak na.

Fast forward ulit…days goes, weeks, months…. nag start nang nanlamig si Paul. ‘Yung text at call niya bilang na bilang nalang sa daliri tapos mangaaway pa. Pero yun pala ang hahaba ng reply sa chat kay snake!

‘Yun ang masakit eh kasi alam mong mas gusto na niyang kausap yung karen kesa sayo.. so eto na Dec. 24, 2017..magpapasko pa talaga. Paul said gusto niya ng space kasi lagi nalang kami nag-aaway KUNG MAG SELOS DAW AKO WALA SA LUGAR 😳 Sobrang maldita ko na daw.

Kahit puno ako ng pangamba pinagbigyan ko siya kasi baka need din talaga ng space. Tiniis kung wag siyang disturbohin kahit gustong gusto ko nang makausap siya. Nag-aantay ako na mag txt o magchat siya, pero lumipas ang bagong taon, wala talaga!

Gulong gulo na ako kasi space lang naman ang sinabi niya so kami pa. Hangang sa naging desperada na ako pinuntahan ko siya kasi gusto ko pang isalba ang relasyon namin.

Nagmakaawa ako. YES! Nagmakaawa ako. Kulang nalang lumuhod ako sa harap niya. Kaya ayon naging okay na kami. Pero unlike before, ang cold na ng treatment niya. At nalaman ko na patuloy ang paglalandian nilang dalawa.

Nag level up pa nga eh.. NAG MOVIE DATE PA SILA at marami silang plano sa buhay at mukhang napakilala na sa pamilya. Sobrang sakit sa loob ko kasi feeling ko pinagkakaisan nila ako. Wala man lang nagsabi sakin na ganoon na pala.

I felt so betrayed by his friends and relatives kasi ang buong akala ko totoo sila sa akin. But they’re all the same.Tigdadalawa ang MUKHA! TWOFACE ika nga! They tolerated Paul. Peru truth is alam ko na talaga na darating sa point na to kasi lagi ko nababasa landian nila sa panahong hiningi niya kunwari SPACE MUNA YUN PALA MAKIKIPAGLANDIAN TALAGA.

Peru pinili ko ulit magpakabulag at bingi pinili kong magpakalunod sa isang basong tubig sa pag nanais na maaayos ko pa ang relasyon namin. 😭

At sa kung paano ko nalaman na madalas silang mag landian sa chat? Simple lang mypagkatanga din si Paul ‘di niya alam na alam ko password niya.

Alam niyo yung feeling na para kang nanonood ng LIVE na landian sa chat 💔? Pinapanood mo kung paano GAPANGIN ni girl yung mahal mo. Parang gusto kong sumabog sa galit!

This story first appeared in Seaman’s Life/Seaman’s Wife Exclusive Facebook Page. Minor edits have been made by seaambassador.com editors. Read original story here.

Do you have any double-closser friends around?

Share your thoughts about them. Post a comment below.

Advertisements

1 reply »

  1. In the society right now. Third party is a mainstream issue. But hey, it depends kung kakagat ba talaga yung gusto mag pa kagat. halata naman talaga na mag papakagat sila. Mga tipong lalaki kasi di ma kontento sa isa. Gusto nila is pure enjoyment. Ewan ko ba bakit gusto nila ipag palit ang isang masayang landian sa long term relationship nila. Kahit na winarningan na sila, pa as if na friendly approach daw. Ha! Friendly approach? Its a girls instinct. Yan ang pinaka magandang regalo binigay ni God sa mga babae. Kaya wag kang pa as if na blinded ka sa mga ginagawa mo kasi may dalawang mata kanaman.. secondly kung feeling mo pinag taksilan kana din ng partner mo anong silbe ng bibig mo? Mag tanong ka. Di lang ikikimkim mo sa sarili mo or hihiwalayan mo agad at yung partner mo ma leleft puzzled. San ba sha nag ka mali? Isnt she enough?. Di mo pa nga alam lahat ng story eh. Alam mo naman loyal sha from the very beginning. Ang laking sacrifice na ang bigay nya sayo. Ikaw yung pinili nya kahit ilang days, months and years kayo di mag kikita. Still shes still there for you. Sana matauhan ka rin. And dapat mature kana sa bagay na yan di lang parang bata na palit ng plait ng toys.

    Like

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s