Institution

Due to new MARINA Order: Ang 25 pesos mo, pwedeng maging isang libo!

Mainit na usapin ngayon sa social media ang kontrobersyal na pagpaparenta ng uniporme ng MARINA Employees Cooperative (MEC) sa mga marino.

Nag-viral ang post na ito.

img_20180208_042929.jpg

img_20180208_043027.jpg

It’s expensive.

To pay the 25 pesos rent may cost a seafarer an arm and a leg. It’s expensive!

Sayang ang 25 pesos, pwede pa pandagdag kape kape sa Starbucks.

At wala bang MEC suki card? Sayang ang points. Hihi

So quicky

Nagbayad, sinuot, hinubad.. Everything happens in a blink of an eye. Kung ganito lang din sana kabilis magreact sa feelings mo ang crush mo, malamang walang reklamo.

Walang resibo

Dahil marami-rami din ang nag-aavail ng rental service na ito, sana ay may resibo. Sabi nga ng DTI sa mga mamimili, always ask for a receipt. Hello, ang Hotel Sogoh nga kahit short stay lang kame nagbibigay ng resibo?

Pagbabago

Kahapon ay lumabas ang isang memo na pirmado ni Felipe A. Judan, Undersecretary for Maritime, Dept. of Transportation.

Nakasaad sa nasabing memo na hindi na dapat magpaparenta ng uniporme ang MEC sa mga marino. Ibig sabihin, magdadala ka ng sarili mong uniporme at shoulder board sa MARINA.

No uniform, No picture, No seman’s book. Ganern!

MARINA MEMO

So, okay na tayo?

Sa opinyon ko, walang masama kung magpaparenta ang MEC ng uniporme dahil nakakatulong din naman ito sa mga marinong hassle para sa kanila ang magdala pa ng uniporme at shoulder board.

Siguro kung maiayos lang natin ng konti ang systema, may dalawang clear options dapat ang mga marino: magdala ng sariling gamit o magrenta nalang ng uniporme sa MEC. Kapag nagrenta, may resibo din dapat na iniisyu.

By the way, may nakasubok na ba dati na hindi talaga nagrenta? ‘Yung nagdala ng sarili niyang uniporme at nagpapicture? Kasi sa tingin ko hindi naman sapilitan o wala namang mandato ang MARINA na tanging rent-a-uniform lang talaga ang pwede.

Sa usapin naman na maaring kikita ng aabot 6 Milyong piso sa isang taon ang MEC dahil sa kanilang pagpaparenta, wala na tayo doon. Maari siguro tayong magsuggest na babaan nila konti ang bayad sa renta o magtrabaho nalang din kaya tayo sa MARINA!?

Ser, uniform ser..sa halagang bente singko, may picture ka na. Ako na naman masaya! 😊

Kung mahal talaga para satin ang 25 pesos, magdala po tayo ng sariling uniform. Simple as that.

Actually, hindi narin bago ang ganitong pag-iisip sa mga Pinoy. Pagnagbenta ka ng produkto malimit na iisipin ng kaharap mo kung magkano ang kikitain mong pera sa kanya. This is without knowing first kung more or less, ok ba naman ang presyo sa klase ng produkto na inoofer mo. Dapat ay open-minded lang tayo. Tara, coffee?

Seryosong usapan. Gusto natin ng pagbabago pero hindi naman sa lahat ng oras ay nasusunod ang lahat ng ating mga kagustuhan.

Paweer lang talaga ang mga marino, dahil ang simpleng bente singko, pwedeng maging isang libo. Kung walang magpapahiram, bibili ka na kasi ng sarili mong uniporme. Hashtag petmalu, bes!

This satirical piece was emailed by our reader Daniel.

Send your own

*Photos are screenshot from Facebook accounts of R. S. Jr. and STCW Manila.

Share us your thoughts about this topic. Post a comment below!

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s