Confessions

Featured Cruise Crew: Rommel

ROMMEL Rommel Keizer Mortel

“Let’s Dream BIG”

Magandang buhay sa inyong lahat. Share ko lang po ang experience ko sa pag-aaply ko sa barko hangang sa makasampa napo ako.

‘Nung una wala po talaga sa isip ko ang pagbabarko kasi that time sapat pa ang kinikita naming mag-asawa para sa aming isang anak. Nagtatrabaho ako bilang isang technician sa isang amusement at ang asawa ko nmn ay isang secretary ng isang architecat dahil seaman din po ang tatay ng asawa ko tinutulungan nya kami sa iba pa naming pangangailangan para sa aming pamilya.

After 5 years biniyayaan ulit kame ng isa pang anghel at dito na tumigil sa pagtatrabaho ang asawa ko at mag focus nalang siya sa baby naming kasi yung panganay namin hindi kame nakapagfocus sa kanya at lumaki siya sa lola niya dahil parehas kame nagwowork that time. So ako nalang ang nagwowork para mabuhay ang pamilya ko.  Sumasahod lang po ako ng 12k/month nung mga panahon na ‘yon. Nararamdaman na nmin na hindi na ito sapat at nagkakautang na din kme..hangang sa pinayuhan ako ng father-in-law ko na bakit hindi ko itry mag barko..siya daw ang bahala sa lahat ng kaylangan ko…pero hindi ko naman po lahat inasa sa kanya.

2012 kumuha ako ng passport at nagtraining ako ng solas hangang sa nagkaroon ako ng seamans book..akala ko matibay na sandata na yun para makasampa ka ng barko – hindi pala. May referral galing sa byanan ako at nag-apply ako as stage crew sa UPL. Akala ko nun dahil may referral ka ay madali ka nang matatanggap. Pero akala ko lang pala!

Hindi parin ako sumuko..nagtry parin ako sa UPL.nag try ako mag-apply as blueboy or galley steward..Pero dahil wala akong experience, nabigo na naman ako..kase akala ko pwede na dahil my backer ako.

Hanggang sa nagfocus nalang ulit ako sa trabaho..inenhance ko yung experience ko as technician..ibig kong sabihin nagpahinog ako ng husto sa aking trabaho..at dahil madami ng problemang dumating sa aming mag-asawa at aking pamilya dahil namatayan ako ng tatay at nagaaral pa ng kursong nursing ang bunso kong kapatid hindi ko na alam kung paano pa ako makakatulong sa kapatid at lalo na sa sarili kong pamilya.

Halos mawalan na po ako ng pag-asa hindi ko na alam kung san ako kukuha ng pera. After nun napagisip-isip ko bakit d ko ulit subukan magapply ulit nagsearch ako ng mga agency na tumatangap ng may experience sa electronics..hangang sa nakita ko ang post ng Magsaysay na hiring sila ng video arcade technician.

Nung makita ko po yon ay nabuhayan ako ng loob. Kinaumagahan tumawag muna ako kung available pa at ang sabi ng recruitment ay magpunta na ako dahil urgent yung posisyon na aapplyan ko..wow.so kinabukasan sinama ko yung dalawang katrabaho ko at nagtiyaga kami na pumila at naghintay na tawagin ang aming pangalan.

At ‘yon nga initlial interview na at salamat sa Diyos dahil pumasa kaming tatlo..After ay deretcho agad ng fleet interview. Sa kasawiang palad dalawa nalang kmeng natanggap..Binigyan kame ng papel at doon nakasulat ang mga requirements/trainings na dapat pa naming kunin..Hanagang sa dumating ang principal interview at salamat nakapasa parin kameng dalwa..at ‘yon na for processing na daw kame. Pre-medical na at kuha na kame ng yellow fever.

Inexpect ko na eto na…malapit na kame makasampa dahil medical na kame nakompleto narin namin lahat ng requirements naming. It means hired na kame ng kaibgan ko (May 2014). Sabi nila wag muna kame magresign wala pang request so patuloy ang pagtatrabaho ko non at pagdating ng August tumawag sakin kung pwede daw magkadete muna kame ng kaibgan ko ng 3days…pumayag kame kasi baka yun na yung way para makasampa kame.

After nun pinag PDOS na po kame (August 2014). Sabi ko eto na talaga makakasampa na din..after ng pdos agad kong ininform yung byanan kong seaman na nag pdos na ako. Sabi niya malapit kana makakaalis mga 2 weeks nlang.sabi ko (pa) baka pwede mo ako pahiramin ng pera pambili ng gamit ko at di nagdalawang isip agad akong pinadalhan ng pera. nag report kame sa fleet namin. Nag tanong kame kung kelan joining date namin sabi nila wala pang request wag muna kau mag resign.

Napaisip kame..ok lang..every week nag pafollow up kame at ganon parin ang sinasabi..Hanggang sa sila nalng ang kokontak samin pag may request na..Hanggang sa dumating ang isang taong pag-aantay wala pa din. naging dalawang taong. Wala pa din.halos inaaasar na ako ng mga katrabaho ko na (oh akala namin aaalis na kayo bkit andito parin kayo hindi paba ayos yung barko) ang sakit pero hindi namin inalintana yun.

Hangang sa 3 years na pala kame nagaantay hindi ko biniblame yung fleet namin kung bakit hindi nila kame napasampa agad..siguro may reason kung bakit at hind ko din po alam..hangang sa wala na wala na talagang pag-asa. Kaw ba na mag-antay ng 3 years..aasa kapa ba?

Hind ko na naisip na magrenew pa ng mga documents ko kasi akala ko wala na talaga. Hanggang sa nakita ko ulit yung post ni Magsaysay na need nila ulit ng video arcade staff…nag follow-up agad ako..sabi magsend daw ulit ako ng resume at ipapasa nila sa principal..nag pasa ulit kme ng kaibigan ko..Hangang sa ilang buwang pag-aantay wala padin…so naisip ko wala na talagang pagasa pa…pero naisip ko din naman na dapat habang nabubuhay ka dapat isipin mong may pag-asa.

Hangang sa may tumawag sakin at may interveiw daw ako thru skype..Wow eto na..eto na talaga.hindi ko na palalagapasin to..8pm ang sched ng skype interview ko..at nung dumating na yung time na yun mix emotion na ako..nung tinanong ako kung anytime daw eh pwede akong sumampa ng barko…sbi ko opo anytime po..

Umiiyak na ako sa nagiinterview sakin..Nung sinabi nya yung joining date ko..hindi ko alam ang gagawin ko nung time na yun. Umiyak ako sa saya dahil malapit na ako makasampa..after nun for processing na ulit ako. Nag medical ako at nag renew ng seaman’s book..hangang sa dumating ang araw na makakatotohanan sa buhay ko na eto na pipirma na ako ng kontrata ko at wala nang atrasan to pero wala pa akong plane ticket kasi need ko pang irenew yung passport ko.

Dahil nahirapan ako mag pa-appoint ng passport ko na adjust yung araw ng alis ko binigyan pa nila ulit ng 2 weeks para makarenew ng passport..salamat sa Panginoon dahil umabot ako sa deadline na binigay ng fleet para ipasa yung passport ko..sa kadahilanan po kaya natagalan yung release ng passport ko wala po ako panlagay sa D**.. Hanggang sa nag kapera ako pinakaen ko sila sa Mcdo 3 silang empleyado ng ahensiya .At yun nirelease na nila yung passport ko.At agad akong nagtungo sa opisina para ipasa yung passport ko at yun nga na briefing na po ako at tuloy na tuloy na po ang alis ko.

July 6 ako sumampa ng barko at ngayon nandito na po ako sa Genting Dream..nagtatrabaho para sa pamilya. nagtatrabaho para sa pangarap..

Sa mga nangangarap mag barko wag na wag po kayong susuko sa hamon ng buhay..Kung kinakailangan magtiis magtiis po tayong mag-antay..maraming salamat po sa pagtitiyagang basahin ang aking kwento..sorry po medyo mahaba yung linya kasi po dumepende po ako sa haba ng pag-aantay ko.hehe..

Mabuhay po kayong lahat..salamat #wpcs ang grupong nagmulat sakin na ituloy ang ang aking pangarap at wag mawalan ng pag-asa. Sana marami pa kayong matulungan…mabuhay po kayo. Special mention kay admin routh at kay admin jen..maraming salamat sa inyo.

Godbless!

This story first appeared in Working Pinoy Cruise Ship (WPCS) Facebook Page. Minor edits applied.

Photos screengrabbed from Rommel Keizer Mortel/Facebook

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s