Crew

Featured Cruise Crew: Yvanne

pic2gif_20180122_065634

Yvanne Mendoza Carmelo
“Everything happens for a reason”

Ako si YVANNE. 29 years old at 6 years na pong nagbabarko.Gusto ko po sana ishare ang aking karanasan bilang isang SEAMAN.

Year 2010 I graduated a 2 year course as CRUISE LINE SERVICES sa St. Therese-MTC Colleges. Octoberian po ako kasi isa po akong shiftee mula sa kursong BS Tourism. Dalawang taon din po akong naging isang studyante ng turismo. Pero dahil sa peer pressure hindi ko po ito natapos at napilitan po akong lumipat ng iskwelahan at magpalit ng kurso.

I graduated on october 2010… nag apply ako sa isang call center after gumaraduate, sa pag-asang kumita agad.. hindi ko na inisip yung kursong kinuha ko. (Nagsisimula pa lang ako  sa BPO industry) natapos ko na lahat ng proseso at pasado nako at nagku-comply nako ng requirements ko sa call center ng biglang magtext sakin ang class president namin na magpupunta daw sila ng Manila kasama ng 8 pa namin classmates para daw mag OJT sila isang shipping company at ito po yung NEGROS NAVIGATION.

Nung araw po na nagtext sakin yung classmate ko eh tinawagan din po ako ng opisina para sa contract signing ko sa call center na yun. Diko po alam kung ano uunahin ko ng mga panahon na yun kung pipirma bako ng contract sa call center na yun or sasama ako sa mga classmates ko papuntang manila para mag OJT sa barko.

Naguluhan ako! Humingi ako ng sign kung san po ba talaga ako or ipo-pursuit ko yung pangarap ko na mag barko. Kasi alam ko sa sarili ko na matagal ang paghihintay ko dun sa kunpanyang yun before makasakay at hirap makasampa agad dahil sa cue ng mga mag oOJT. So, sinabi ko kay mama ko na kung papayagan bakong sumama sa Manila ayun! Pinayagan nyako at agad agad binigyan ngpamasahe papuntang manila. Taga iloilo po kasi kame kaya hindi po ganun kadali ang pumunta ng Manila at makipagsapalaran.

Sa MANILA: nagpasa kami ng resume sa NEGROS NAVIGATION (known as 2GO Travel now) 1st week of November 2010 nagsimula ang training namin for POT-P (pre-embarkation training program) for 15days. Ipinaayos lahat ng requirements sakin at nagsimula na ang matagal ko ng pinapangarap na makapag barko. Sabi ko sa sarili ko, “eto na! Eto na yung pinapangarap ko!” Although interisland pa lang sobrang saya ko na!
Matapos lahat ng training requirements ko, line up na agad ako for embarkation. Awa ng DIYOS walang sabit sa Medical. kaya tuloy tuloy ang proseso ko.

Napakasaya ko! Sa aming batch noon, ako ang unang unang nakasampa!

1st week of DECEMBER 2010 nakasampa ako for OJT 2months sa barko ng NEGROS NAVIGATION. Naka 1 year and a half din ako sa kumpanyang yon bilang casual at yun po ang ginawa kong BALA sa aking pag-aapply sa cruiseship.

DISEMBARKED

Pag baba ko sa interisland, tumira ako sa isang boarding haus sa tondo (Delpan, Tondo) malapit lang din sa pier ng 2Go na kung saan dati akong nagtrabaho. Sa boarding house na yun, halos lahat ng bumababa sa barko sa island dun tumitira. 1700 ang upa sa isang buwan, bawal magluto sa loob. So kinakailangan bumili talaga ng pagkain sa labas. Doble gastos!

Habang nagkakasiyahan kaming mag boboardmates, napag usapan namin ang pag aapply.. magja-job hunting daw kaming lahat. Apply for international na. lahat ay excited at dalidaling nag print ng resume at nag bihis. Nagpasa kami resume sa halos lahat ng agency. TAMA! Halos lahat ng agency.. mula malate, makati, intramuros.. LAHAT! Limited lang ang pera namin bawat isa kasi nga po nagbo-board lang kami sa Manila at hindi kami taga doon.

Pakikipagsapalaran ang aming ginawa para matupad ang pangarap na makapagbarko. Kumakain kami ng isang beses sa isang araw sa bhaus namin para may pampamasahe kami sanpag aapply. Nag hintay kami ng ilang araw, weeks at buwan na may tumawag.. nagbabakasakali at excited na may tatawag samin.

Ngunit wala.. hanggang sa isa isang sumuko ang aking mga kasama sanpag aapply.. nawalan ng gana.. ng iba nag apply sa hotel landbased.. ang iba nag call center agent.. karamihan umuwi na lang ng probinsya dahil sa di na kaya ang gastusin at ubos na ang naipon sa pagbabarko sa pinas.

Ako po’y di nawalan ng pag asa sa pag aapply.. humingi ako ng tulong saking mama’t papa na suportahan ako sa aking pangangailangan sa Maynila sa aking pag-aapply. Siguro masasabi kong isa rin ako sa mga maswerteng anak na may lubos na suporta mula sa magulang. Sa ganitong bagay siguro malayo ang kinaibahan ko sa ibang aplikante. Nag-stay ako sa Manila ng ilang Buwan para pagpatuloy ko ang aking pag-aapply. Muli kong sinuyod ang Malate… binalikan ko ang magsaysay.. kasi magsaysay ang maraming Fleet na cruiseship. Umulan, bumagyo.. derecho pa rin ako sa pag aapply!

May mga times na ubos lahat ng pera sa bulsa ko.. nauuhaw pero di man lang makabili ng softdrinks kase pamasahe lang dala ko… naranasan ko ang magmakaawa sa Photocopier attendant na ixerox ang documents ko kasi wala na po akong perang pambayad.. yung maglakad ng diko po alam kung san ako pupunta kasi halos lahat ng kumpanya napasahan ko na ng resume ko at nakatayo na lang sa isang gilid hawak ang payong ko at yung papel na may listahan ng mga agencies.

Napatingin ako sa taas.. at sabi ko.. “san pa po ba?”
Nilakad ko mula kalaw papuntang manila city hall.. nagpalamig sa SM MANILA.. dahil sa sobrang init.. den pumunta ako ng Quiapo Church. Doon nagdasal ako kay Poong NAZARENO na sana’y tulungan nya ko at kung hindi man para sakin ang pagbabarko, sana’y bighan nyako ng sign. Kasi hirap na hirap na po ako. Naiiyak nako ng mga panahon na yon sa sobrang pagod.

Gutom na gutom ako non pero ni barbque di po ako makabili.. tanging tira sa bulsa ko po ay pamasahe pauwi ng tondo. Dala-dala ko yung lahat ng documents ko at ang payong ko. Pagkatapos magdasal umuwi nako para makapagpahinga.

Nang mga sumunod na araw, naghihintay ako ng tawag or text man lang na sana ay may dumating.. pero ganun pa rin.. WALA!

Unti unti ako nawalan ng pag asa.. naiisip ko na lahat ng negatibo.. tulad ng baka di talaga ako qualified, hindi enough ang experience, kalaban ko ang mga aplikanteng maraming experience, presentable manamit ang aking mga kalaban, magagaling mag english, mga ganung bagay.. kaya unti unti akong sumuko.. nawalan ako ng tiwala sa sarili ko at angdesisyong umuwi sa probinsya. Pero nang humihingi nako ng pamasahe kay mama ko (through text) nakatambay ako sa pinto ng aming bhaus mga bandang 3pm.. habang nagtatype akk ng message.. timing din na may dumating na message! Diko pa po yun una pinansin kasi kala ko friends ko lang.. kasi dalawang message. Sabi ko pa noon.. “nag flood message na naman!”

Nang masend ko na yung message ko kay mama ko, pag tingin ko sa Inbox ko.. Nokia C3 kasi phone ko non, diba number lang makimkta mo at yung unang lart ng message.. nakalagay sa unang part ng message “Hi! This is_____ of MAGSAYSAY MARITIME CORPORATION. Etc.!!”

Hindi ko pa naoopen yung message napayuko nako agad.. halos mangiyak iyak ako non sa tuwa na nagbunga yung pinag hirapan ko sa pag aapply at Magsaysay Pa ang nagtext! Nabasa ko sa message na pinagrereport ako for interview kinabukasan. Gulat na gulat ako at sobrang saya! Diko maipaliwanag yung sayang naramdaman ko nung mga oras na yun. Tinext ko kaagad mama ko na tawagan ako. At sinabi kong hindi na muna ako uuwi kasi may nagtext na!

Sobrang tuwa din ng mama ko non! Sa sobrang tuwa ko naiyak ako sa kama ko at nagdasal na sana yun na nga ang matagal kong hinihintay. Nakatulog ako sa sobrang iyak ko at sa sobrang tuwa.

Interview:

Nagreport ako sa magsaysay dala dala lahat ng aking mga dokumento. Nagpagupit pa nga ako kahit diko pa alam kung matatanggap pako. Haha sa sobrang excite ko. Nung akoy iniinterview na may isang tanong akong hindi inaasahang itanong.. “what is WRS?” Although alam ko ang WAS RINSE SANITIZE, diko alam ang WRS na acronym kaya diko nasagot. Habang magkaharap kami ng interviewer nalumo ako na nanginig sa sobrang dismaya ko na diko nasagot yung WRS na yun!

Umiling ang interviewer ko at parang wala nakong chansa matanggap pa. Hanggang sa sinabi nya bigla na.. “sige, bumalik ka sakin bukas.. pag aralan mo muna kung ano ang WRS.. bumalik ka sakin ng 9am bukas!” Halos mapalundag ako sa tuwa noon.. nasabi ko na lang “DIYOS ko, maraming salamat!”

Pag uwi ko dali dali akong nag internet sa isang cafe doon malapit sa bhaus ko, hinanap ko ang WRS na yun at dun ko nakita ang meaning! Napapalo ako sa desk sa sobrang inis ko. Alam ko po yung WASH RINSE SANITIZE pero diko po alam ang WRS Acronym! Hahahahaha

Kinabukasan:

Sa interview, sabi sakin ni Sir Alfred Afuang Fleet director ng MOPAS (Mitsui OSK Passenger Cruise Lines) isang Japanese Cruiseship at ang aking fleet na ibinigay ng magsaysay… “napag-aralan mo na ba?” Sagot ko agad “opo.. at alam ko po pala yang WRS na yan.. diko lang po na recognize sa acronym” natawa sa akin ang interviewer ko at binigyan ako ng endorsement for Marlins. At don na nagsimula ang lahat ng pagpaprocess ko ng requirements ko.

Sobrang tuwa ko ng binigay nya sakin ang lists of requirements ko at mga dapat kong icomply. Napaiyak ako sa harap nya at sa sobrang pasasalamat ko sa kanya dahil binigyan nyako ng chance nasabihan ko si sir alfred ng I love you! Hahahaha lumabas agad ang pagiging BAKLA ko sa kanya. Na ikinatuwa nya naman at nasabi nya pa sakin na “ipagpatuloy mo yang pagiging masiyahin mo sa barko ha? Yan ang kailangan don at pagiging masipag syempre!”

Napangiti ako at nagpasalamat ulit.
Nagtraining kami ng JAPANESE CULTURE AND TRADITION ng isang buwan sa MIS dasmariñas. At matapos lahat ng trainings at requirements ko naka-alis ako ng DECEMBER 24, 2012. Isang napaka sakit na petsa na pag alis dahil itoy pasko at sa halip na umuwi ako saamin akoy paalis. Sobrang lungkot ko noon at iyak ako ng iyak sa eroplano!

1st time ko umalis ng bansa noon at ganong petsa pa. Wala pong naghatid kasi noche buena. Napakasakit isipin!

Natapos ko ang 7 months contract ko sa barko ng MOPAS na ang pangalan ay FUJI MARU. 7 months lang natapos ko. Umuwi ako ng July 2013. Unfortunately, huling byahe na pala ng barkong yun. Dahil nabenta na po ito sa ibang kumpanya kaya laking lungkot ko po ulit ng malaman kong panibagong problema na naman ang mangyayari. Pero hindi po kami pinabayaan ng MOPAS, pumunta ang may ari ng kumpanyang MOPAS sa magsaysay para kausapin ang presidente ng magsaysay para mailipat kami sa ibang cruise fleet sa magsaysay.

Doon po nagsimula ang pag lipat namin sa PRINCESS CRUISES! maraming salamat na lang sa MOPAS at di nila kami pinabayaan.. salamat talaga!

Inilipat na kami sa panibagong kumpanya.. PRINCESS CRUISES.. panibagong mukha ng pagrereportan at panibagong requirements na nanaman.. pero sabi ko sa sarili ko noon “everything happens for a reason” kaya hinayaan ko na lang at sumunod ako sa agos nito.

Agad akong nainterview ulit sa Princess.. nag exam at nakapasa naman.. awa ng Diyos.. pinakuha ang mga requirements at pinag medical.. sunod sunod ang mga nangyari sakin..parang naramdaman kong mahal ako ng DIYOS at di nyako pinabayaan.. Pumasa ako sa medical at nakuha ko kaagad ang requirements ko.. sobrang saya ko noon!

Hanggang sa pinakuha na sakin ang US VISA na sobrang kinabahan ako na baka ma denied ako. Sabi ko na lang sa sarili ko “kung ano man maging resulta noon.. talagang yun ang destiny ko” pero nakapasa ako..

Thank GOD talaga! That was september 29, 2013… nag utility ako sa opisina ng 5 days.. at October 11, 2013 ang unang unang sampa ko sa panibagong kumpanya ko. PRINCESS CRUISES!

Naka 3 contracts ako with Princess na halos maikot ko na ang mundo. Napaka laking pasasalamat ko sa dating kumpanya ko na hindi kami or ako nila pinabayaan.

Ngayon, nandito nako sa BAHIA SHIPPING SERVICES 1st contract ko po dito at ngayon po ay kauuwi ko lang at gusto ko sana humabol sa Meet and greet ng wpcs. Onboard ako sa BLACK WATCH at masasabi kong napakasaya ng unang kuntrata ko dito.

Salamat na lang sa tulong ng aking mga magulang at kaibigan na walang sawang sumoporta at nagmamahal sakin.. ngayon patuloy akong naglalayag sa karagatan at inaabot ang aking mga pangarap. Ang aking mga kaibigang dati ay sumuko? Isa isa na rin silang nakasampa at naka alis.. talagang tiwala lang sa sarili at sa maykapal.. samahan ng dalangin at pananalig sa kanya. Lahat ng pangarap sa buhay ay hindi mo maabot kung wala kang gagawin o ginagawa.. kelangan mong kumilos at gumawa ng paraan para makamit ito. Hindi po yun talagang nakatadhana lang para sayo.. yon po ay sinasamahan din ng pag GAWA AT GALAW.

Kasabihan nga po ng mga mandaragat “walang bagyo ang hindi natatapos” lahat ng problema natatapos kung ikaw mismo ay hahanap ng sulusyon or gagawa ng sulusyon.

“Hindi po lalapit sa inyo ang agencies” tayo po mismo ang dapat lumapit sa kanila o maghanap sa kanila. At kung mabigyan man po tayo ng chansa na matanggap.. huwag po muna tayo mamili ng trabaho dahil lahat po kami na nandito na ay nagsimula sa pinakamababang posisyon.

Huwag po munang pipili sa sahod kung mababa man o mataas.. ang importante ay natanggap ka at nabugyan ng trabaho. Na makakatulong kana sa pamilya mo. At doon mo na imold ang sarili mo at gumawa ng pundasyon para sa ikakataas mo.

Walang nagsimula ng nasa taas agad.
Lahat nagsimula sa WALA o MABABA.. wag po tayong mawawalan ng pag-asa.. tiwala lang po.. totoo po yun!

Tiwala lang sa sarili at sa DIYOS. Lahat po tayo ay nasa kanyang plano..

At dito na po nagtatapos ang aking napaka habang kwento. Continue to believe! And achieve!

See you all onboard!

For more inspiring ship crew stories, follow us!

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 19,749 other followers

This unedited story first appeared in Working Pinoy Cruise Ship (WPCS) Facebook Page.

Photos screengrabbed from Yvanne Carmelo/Facebook.

Advertisements

3 replies »

  1. Hi Sir! Nainspire ako sa story nyo. Nagwowork ako ngayon sa isang company as auditor at gusto ko sanang itry na magtrabaho overseas sa cruise ship. nkapag apply na ako at nakatanggap na ng email sa isang agency at ngayon ay hinihintay ko na lang ang tawag nila para sa susunod na step. Sana’y pagpalain din ako ng Diyos katulad ninyo. God bless!

    Like

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s