Documents

Create/Update MARINA SCS 2.0 account. A short guide for Filipino seamen

Seafarers Certification System

Magiging paperless na ang pagproseso ng mga dokumento sa STCW Central Office simula Enero 2, 2018. Ito ang good news ng ahensya sa mga Pinoy seafarers na naipost sa kanilang official Facebook page kahapon, December 13.

Kapag paperless na ang sistema ng ahensya, hindi na raw natin kailangan i-xerox ang mga orihinal na dokumento. Dadalhin na lang ang orihinal na dokumento sa MARINA for verification purpose.

Pero hindi naman ibig sabihin na dire-diretso ka nalang sa loob ng MARINA dahil hindi mo na kailangan pang pumila sa kanto at magpaxerox.

Para smooth ang pagproseso ng dokumento, dapat ay mayroon kang updated Seafarer’s Certification System (SCS) online account, matey!

Ano ang SCS?

Ang SCS ay isang online account. Para magkaroon ng sariling SCS, dapat makaregister ka sa electronic system ng MARINA.

Katulad ng account mo sa Facebook, mabubuksan mo din ang iyong SCS account basta’t tama ang email address at password na inilagay sa log-in page.

Here’s more tip. Para hindi makalimutan at maiwasan ang aberya sa paglalog-in ay mas magandang mailista mo ang tamang username at password ng iyong SCS account.

Pero kung hindi mo talaga naalala ang huling password na ginamit, pumunta sa ganitong Forgotten Password Page at isulat ang iyong ginamit na email address sa paggawa ng account.

Sundin lamang ang mga hakbang sa email na ipinadala ng system para mabago mo na ang iyong password at makapaglog-in ulit.

Mga kailangan sa paggawa ng SCS account:

1. SIRB (Seaman’s Book) Number
2. Smart phone kung walang tablet o Personal Computer.
3. Email address
4. Internet
5. Scanner/Camera

Sabihin na natin na konektado na ngayon sa internet ang iyong device.

Related Reading: Seafarers can now enjoy Free WiFi at MARINA. Here’s how to connect.

Buksan ang internet browser (Google Chrome, Internet Explorer, atbp.) at puntahan ang website ng MARINA SCS Version 2.0

Kapag kumpletong nagload ang webpage ay makikita mo ang isang online form. Sagutan ng tama ang form.

Ilagay ang iyong seaman’s book number at birth date. Kapag nakumpleto na ay iclick ang ‘Check Data’ na blue button.

Kapag tinanggap ng system ang online form na sinagutan mo ay maari ka nang makakuha ng Seafarers Registration Number (SRN).

Kapag ‘Error or Record not found’ naman ang nasabi, ibig sabihin ay kailangan mong puntahan/kontakin ang MARINA’s Information and Communication Division na nasa 6th Floor ng MARINA Kalaw Building.

Kung hindi ka naman makapunta ng personal, magsend lang ng email sa srnconcern@gmail.com na may ganitong format:

Subject: SIRB Registration error
Message:
• Complete Name:
• Birthday:
• SIRB Number:
• Date of Issuance:
• Place of Issuance:
+ Attach a picture of your SIRB Personal details page (‘wag kalimutan).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkuha ng SRN ng libre at pagpunta sa MARINA dahil nagkaproblema sa pagregister mo, basahin ang isa ko pang blog na Save 100 pesos: MARINA SRN is Free.

Tandaan na sa pagkuha ng SRN ay kailangan mo ang isang working email address.

Mas maganda na buksan muna ang inbox ng iyong email bago ito gamitin bilang official email ng SCS. Sa email kasi na yan ipapadala ng system ang activation link ng ginawang account.

Makakatanggap ka ng email na nagsasabing dapat mong iactivate ang iyong SCS account. Sundin lamang ang mga nakasulat na steps to activate your account sa naturang email.

Ngayong activated na ang iyong SCS account, pwede ka nang maglagay ng profile picture, magupdate ng iyong record o mag-upload ng mga larawan ng dokumento.

Gumamit ng scanner, magpascan o di kaya’y gamitin ang iyong smartphone para makunan ng larawan ang mga dokumento na dapat ay maiupload sa iyong SCS account.

Siguraduhin na tama ang mga isusulat na impormasyon at huwag gumamit ng anumang pekeng dokumento.

We are giving our readers a PDF short guide on how to create/update MARINA SCS Account.

Follow us and we will email you a copy for FREE!

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 21,286 other followers


….

Disclaimer

This blog post is a social initiative of The Seaambassador’s Republic to help Filipino seafarers create/update their MARINA SCS accounts.

We are not responsible for any damage encountered by the user or any third party upon the use, misuse or abuse of information provided herein.

Advertisements

10 replies »

  1. Sir try k buksan ang srn k hndi k namn m open site nyo sa marina tpos yung srn k noong 2015 p yun ang ginamit k sa exam active pba yun?

    Like

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s