Jr. Third Mate, nasira ang pamilya dahil sa gayuma?

Mariknow

Image courtesy: Pixabay

Ayaw sanang maniwala ni Aida na ginayuma umano ang kanyang asawa na si Edward, isang Jr. Third Mate sa barko.

Pero nagkatotoo ang mga haka-haka at ang labis niyang kinakatakutan nang si Edward, sumama sa babaeng gumayuma sa kanya! Iniwan siya bigla at ang kanilang apat na anak.

Sa Facebook ay naibahagi ni Aida ang paghihirap ng kanyang kalooban. Aniya, para mabuhay silang mag-ina ay kailangan niyang iwan ang mga anak sa ibang tao. Mukhang mangingibang bansa si Aida para maghanapbuhay.

“Hindi na ako masyadong nakakatulog sa ngayon dahil malapit na akong umalis. Weeks nalang ang binibilang ko..Naaawa ako sa mga anak ko at iiwan ko sila sa ibang tao, ” ang panimula ni Aida.

Masakit man ay pilit na nagpapakatatag si Aida. Pinasalamatan pa nito at ipinagdasal ang nang-iwan na asawa.

“Sa lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko, nawa’y hindi kayo mabilaukan ng kabit mo kapag kumakain kayo. Nawa’y huwag ka bangungutin kapag nakasampa ka na nang barko..Jr. Third Mate E.P.A., salamat sa pagpalit mo sakin sa babae mo,”

At hindi rin niya siyempre pinalampas ang kabit ng kanyang asawa. Narito ang nais niyang iparating sa asawang humayo.

“Mas lalong sumama ang loob ko Edward dahil ipinagpalit mo ako sa babaeng mas maitim pa kesa sakin. At higit sa lahat sana man lang mas maganda pa siya kesa sakin,”

Curius ba kayo kung paano ginayuma ng babae si Edward? Gumamit daw ng ihi.

“Ang sabi sakin ginayuma ka daw [Edward]. ‘Yung ihi daw ng babae mo pinainom daw sayo, nilagay daw sa kape mo at meron pa siyang ibang pinainom sayo!” ang matinding rebelasyon ni Aida.

Ang mga pangalan na Aida at Edward sa artikulo na ito ay gawa-gawa lamang. Ano mang pagkakatulad sa pangalan ng mga totoong tao ay hindi sinasadya ng may-akda.

Source: Seaman’s Wife/Seaman’s Life FB page.

Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng gayuma? Ano ang maipayo mo kay Aida?

Share your thoughts. Leave a reply below.

Post a comment

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s