Viral

Liferaft at Immersion Suits, nalimas ng mga magnanakaw sa naka-ankoraheng barko sa Maynila

Container Ship

A container ship. Image courtesy: Pixabay

Ninakaw umano ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang liferaft at immersion suits ng isang container ship na naka-ankorahe sa Manila Quarantine Anchorage, Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Ayon sa ulat ng IMB Piracy Reporting Center, naka-ankorahe ang barko sa posisyon na 14-33.72 North, 120-55.25 East nang ito ay manakawan.

Habang nagroronda ang isang crew ay napansin nito na nawawala na ang kanilang liferaft at immersion suits sa unahang parte ng barko.

Matapos ang pagsisiyasat ay naobserbahan ng mga tripulante na gumapang paakyat ng anchor chain at lumusot sa hawse pipe ang magnanakaw para makaakyat ng barko.

Naireport ang nangyaring nakawan sa Manila VTS at Philippine Coast Guard na nagsagawa naman kaagad ng security search sa lugar.

Ang liferaft at immersion suits ay mga importante at mamahaling gamit pangkaligtasan ng isang barko.

Source: Anti-Piracy SITREP, Facebook

Advertisements

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s