Wilhemsen seamen, nailigtas ang buhay ng 9 na tao mula sa tumaob na bangka

image

Photo screengrabbed from Wilhemsen Ship Management's Facebook Page

Naglalayag umano noong Disyembre 1 mula sa Arabian Gulf ang Energy Orpheus, isa sa  mga barko na hawak ng Wilhemsen, nang makita ng mga tripulante ng barko ang pitong  tao na nanganganib ang buhay.

Tumaob ang maliit na bangka ng mga tao at sila ay humingi ng tulong. Hinahagupit ng tropical cyclone Ockhi and dagat noong mga panahon na iyon.

Ayon sa Wilhemsen, tinulungan ng mga crew ang mga taong nakakapit sa nakataob na bangka. Humingi din ang mga taga Energy Orpheus ng tulong sa lokal na awtoridad upang maisagawa ang mas malawak na search and rescue para sa iba pang mga survivors sa lugar.

Habang naghihintay sa parating na tulong ay dalawa pang tao na palutang-lutang sa tubig ang namataan. Sinagip din sila ng mga taga Energy Orpheus.

Dumating ang isang helicopter at dinala ang 9 na survivors pabalik sa lupa.

“We are very proud of our heroes onboard Energy Orpheus who spared no efforts to rescue lives at sea.” ang sabi ng Wilhemsen nang ibahagi nila ang magandang balita sa kanilang Facebook page.

Follow seaambassadorph for more top trending seafarer news.

Source: Wilhemsen Shipping, Facebook

Post a comment

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s