
Image: Pixabay
Nakaraang linggo ay nag-open up si Lian (hindi niya tunay na pangalan), isang kabaro natin na nagtrabaho sa cruise ship, tungkol sa masamang nangyari sa kanya sa barko.
Dahil sa matinding depresyon ay nagawang tumalon ni Lian sa dagat.
“Sa nangyari masyado ako na- depress hangang sa tumalon ako as man overboard malapit sa port na pinag ankorahehan namin,” ang sabi ni Lian.
Siguro ngayon ay curious kayo kung ano ba talaga ang nangyari kay Lian sa barko?
Ayon kay Lian, nagulo daw ang kanyang buhay-barko ng magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang boss.
“Lagi po kasi kami sinisigawan at hinahardtime ng aming Chief House Keeper. Ako po ay lumaban ng matindi kasama ng isa naming kasamahan sa trabaho.
“Dahil sa nangyari, na depress ako. Hindi na po ako nakakain at nakakatulog ng maayos.
“Nereklamo ko sa Captain at Staff Captain ang malupit na chief house keeper pero siya ang kinampihan nila kaya parang nabaliktad ang reklamo ko,”
Dahil hindi nakuha ang suporta ng ship’s management ay naisipan na lamang ni Lian na magresign para makauwi ng Pilipinas.
“Nagrefuse to work ako para makauwi na lang.
“Pinakiusapan po nila ako na bumalik sa trabaho, and sinabi po na magresign na lang ako para may maiuwi ako at ‘di na daw ako ang sasagot sa plane ticket ko pauwi at ang plane ticket ng papalit sa akin sa barko.
“Pero nung nagfile ako ng resignation ko sa purser ay iginiit nila na need ko pa din bayaran yung tickets.”
Itinuloy pa rin ni Lian ang pagresign kahit siya ang pinagbayad ng plane tickets.
Dahil tila bumagsak bigla ang langit sa kanya ay nagawa niyang tumalon sa dagat!
“Parang nawawala po ako sa aking sarili noong time na yun.” ang lumuluhang pagtatapos ni Lian.
Ayon sa BBC News, tumataas ngayon ang bilang ng mga marino na tinatangkang kumitil sa kanilang buhay. Sa mga kabaro natin na nakakaranas ng matinding problema katulad ng depresyon, ang mga organisasyon katulad ng SeafarerHelp ay makakatulong po sa inyo ng libre.
Categories: Confessions, Viral