Gusto ni Juan softdrink, ayaw magbuko!

 

20101018_dennis_bautista_06-600x4252.jpg

Photo Courtesy: Dennis Bautista

Tag-init ngayong Mayo kaya hirap na hirap si Juan. Tuyong-tuyo ang kanyang balat at lalamunan. Ang kanyang musmos na katawan nalang yata ang hindi pa nakapagdeklara ng state of calamity dahil sa EL Niño. Naawa ako nang makita ko siyang palaboy sa kalsada kaya nilapitan ko at inalok ng maiinom.

“Juan, para sayo ang mga inuming ito. Pasesnsya na pero isa lang dito ang makukuha mo. Nasa kanang kamay ko ang buko at sa kaliwa naman ay branded soft drink na may ice at straw. Alin dito ang pipiliin mo at bakit?” Ang marahan at ngumingiti kong tanong.

“Gusto ko softdrink! Ayaw ko ng buko kasi hindi yan makakapawi ng sobrang uhaw ko ngayon. Ang softdrink palagi kong nakikita sa TV at may pakanta-kanta pa iyan sa radyo. Gusto ko yung instant inumin, yung sisipsipin ko nalang at itatapon ang sisidlan kahit saan. Aba, bakit naman pahihirapan ko pa ang aking sarili kung meron namang mabibili na sofdrink katulad niyan? At alam mo ba, ito ang leading brand sa buong mundo. Ineendorso ito ng mga idolo kong artista. Sabi ng nanay ko delikado daw ito sa kalusugan pero hindi ako naniniwala. Uhaw ako ngayon kaya patay na kung patay! Ayaw ko ng buko. Sinusuka yan ng katawan ko!”; ang buhay na buhay niyang sagot.

Tiningnan ko siya sa mata, ngumiti saglit at kahit may pag-alinlangan ay inabot ko sa kanyang mga kamay ang hininging softdrink.

Kinabukasan, nakasalubong ko ang nanay ni Juan sa daan. Umiiyak siya at halatang problemado.

“Nay, mukhang mabigat ang pakiramdam ninyo. May problema ba?” ; ang pakli ko.

” Si Juan kasi.. Huhu..itinakbo namin sa hospital kagabi dahil sumama ang pakiramdam. Sumuka ng sumuka. Sabi ng doktor, napakataas ng acid sa katawan niya. Hindi ko ngayon alam kung saan kukuha ng pambili ng gamot at pambayad sa hospital.” ; ang sagot ni Aling Pinang.

Naawa ako sa matanda kaya niyakap ko ng mahigpit. Habang  pinapatahan sa pag-iyak ay naglalaro si Juan sa aking makabayang isipan.

UHAW si Juan sa pagbabago at INSTANT na solusyon ang palaging gusto. MADALI siyang MAUTO ng mga higanteng tao at nabubuhay siya sa lipunang ‘Bahala na si Batman’ ang motto at kapag masama naman ang resulta ng ginawang desisyon, ‘Pu**ng I*a’ kaaagad ang mabilis na tugon.

Ako ang eleksyon, si Aling Pinang ang Pilipinas at ang dalawang uri ng inumin ay ang mga pulitikong ihahalal mo sa gobyerno.

coconut-clipart-canstock3289365.jpg

 

Hindi pa huli ang lahat. Sana naman magBUKO kana, Juan!

 

 

picture1-1.jpg

READ:

Sa Pag-boto, Konting Utak Naman Juan!

Why OFWs should vote and how to vote wisely

disclaimer

 

Post a comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s